MISTER MATINDI ANG PAGNANASA SA HIPAG. DI NAKATIIS AT NANGHIPO. MISIS, NILAYASAN SIYA!


Share

7,578 1,147


Published on 09/24/2018

Lumapit sa programa si Noel Cruz sa pagnanais na magkabalikan sila ng asawang si Jocelyn Cruz.

Nagkahiwalay ang mag-asawa at gusto sanang ayusin ni Noel ang kanilang pamilya alang-alang sa kanilang tatlong anak. Masama ang loob ni Jocelyn sa pagkakalat umano ng chismis sa kanya na siya ay may lalaki, at hindi niya mapapatawad ang mister sa panghihipo nito sa ate niya, dalawang taon na ang nakalipas. Mas mamarapatin na lang niyang maging magkaibigan na lang sila para sa mga bata.

Kasama ni Noel sa programa ang isa sa tatlong anak nila ni Jocelyn at siya rin ay nanawagan sa ina. Hiniling niyang umuwi na ito dahil hindi nila alam ang gagawin sa ama dahil may sakit siyang diabetes at nagtratrabaho pa din. Humingi ng tawad si Jocelyn sa anak at nanindigan na hindi na siya babalik kay Noel dahil sa kanyang panghihipo. Humingi din siya ng pasensiya sa anak na hindi niya ito agad sinabi sa kanila, dahil kahit papaano, ayaw niyang masira umano ang tingin nila sa ama.

Matapos ang makailang ulit ng pagtatanong ni idol kay Jocelyn kung may pag-asa pa bang bumalik siya, ang sagot nito ay hindi na. Talagang ayaw ng bumalik ni Jocelyn at nais na lang makipagtulungan sa asawa na ayusin ang buhay ng kanilang mga anak. Malungkot na tinanggap ito ni Noel at pinaalalang wedding anniversary sana nila kinabukasan.

Youtube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube
Facebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebook
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInsta...
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite



Up next

2:41